Wednesday, 16 January 2013
Fin Swimming Reflection
Sa UP, kailangan kumuha at pumasa ng at least 4 na PE subjects bago makagraduate. Fin swimming ang ika-4 kong PE. Yung unang tatlo ay Judo, Weight Training at Duckpin Bowling. Ang emo ko, wala ako piniling team sport, wahahaha. Sa totoo lang, swimming lang talaga gusto kong kunin na PE kaso puno na eh kaya fin swimming na lang napili ko. Wala talaga ako idea kung ano ang fin swimming bago magsimula ang klase. Swimming with fins lang pala cya! Hahaha! Enjoy naman ako sa fin swimming. Anhirap nga lang ng strengthening training, ang sakit sa katawan lalo na ang mga planks. Pinakaborito ko sa PE ay yung posibilidad na x10 ang speed mo pag lumalangoy ka with fins. Problema nga lang, di pa ako sanay huminga gamit ang snorkel at mabilis pa ako mapagod pero mawawala din naman mga problema na yan sa pag pagpraktis pa. Excited na ako sa darating na competition next month, sana manalo ako. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment